BILLBOARDS
BACKGROUNDER |
||||||||||||||||||||
BILLBOARD VIOLATIONS |
||||||||||||||||||||
Common billboard violations
*road right-of-way (RROW): a kind of public open space for the continuous flow of pedestrian and vehicular traffic that must be free of all forms of prohibited physical obstructions
Report billboard concerns (illegal/ unstable, potentially unsafe) to DPWH: (02) 304-3913, (02) 304-3713 |
||||||||||||||||||||
BILLBOARDS NA BUMAGSAK |
||||||||||||||||||||
July 8, 2002: Bandang 2:30pm, isang billboard ng ceramic tiles ang
bumagsak sa EDSA habang kalakasan ng ulan. September 22, 2005: Pagitan ng alas diyes y media at alas onse, nalipad ng hangin ang tarpauline ng billboard ni Sarah Geronimo mula sa southbound papunta sa northbound lane ng MRT. Ayon sa spokesperson ng MRT na si Mariano Gui, tinamaan ang gitnang bahagi ng tren at ang kable na nagsusupply ng kuryente sa tren. Naputol ang kable at nasira rin ang aircon. May 15, 2006: Iniulat ng GMA News ang ilang mga billboards na lumalay sa kanto ng EDSA at Aurora Boulevard sa Cubao, at pati na rin sa South Luzon Expressway. Bumigay ang mga ito sa lakas ng hanging dulot ng bagyong Caloy. July 11, 2006: Bumagsak ang dalawang patong ng billboard sa isang gusali sa kahabaan ng West Service sa pagitan ng Sucat at Bicutan dahil sa lakas ng hangin. Wala namang naiulat na nasaktan.
August 20, 2006: Bumagsak ang isang
billboard sa kahabaan ng EDSA-Boni Avenue sa Mandaluyong dahil sa lakas
ng hangin. Sumampa sa building ng MRT ang billboard kung kaya't di
tuluyang nahulog sa kalsada, ngunit may tinamaan itong poste ng kuryente
kaya nagkaroon ng brown out.
September 28, 2006: Dahil sa lakas
ng hangin dala ng bagyong Milenyo, nagbagsakan ang mga billboards sa
Kamaynilaan. Isang tsuper, si Felipe Gumapon, ang napatay nang madaganan
ng isang malaking billboard ang apat na sasakyan sa kanto ng EDSA at
Estrella Street sa Makati. Sa Pasay, may mga manggagawang nasugatan nang
mabagsakan din ng billboard Isang bus naman ang nabagsakan ng
billboard sa Magallanes interchange, pero wala namang nasaktan. |
||||||||||||||||||||
MGA
UMAAKYAT NG BILLBOARD |
||||||||||||||||||||
November 2, 2004: Isang babae ang
umakyat sa Starstruck billboard sa kanto ng EDSA at East Avenue sa
Quezon City. Kinilala siyang si Lourdes Ibag. May hawak siyang bote ng
patis na itinapon niya after 20 mins at kusang bumaba sa billboard. Nais
lang daw niyang mabigyang pansin ang kanyang reklamo. Nanalo daw siya sa
isang pa-contest ng isang kumpanya ng patis at hindi niya nakuha ang
premyo. November 28, 2004: isang babae ang tumalon mula sa isang billboard sa panulukan ng EDSA at East Avenue sa Quezon City. kinilala ang babae na si Pinky Estacio na taga-Paete, Laguna. Nakitang syang nakaupo sa tuktok ng billboard; lumambitin pero tila nagbago ng isip at nagpumilit iakyat muli ang katawan… bumitiw rin. Nasalo siya ng cushion bags ng rescue teams, pero tumalbog siya at lumagpak sa semento; nagtamo sya ng galos, pasa at maliit na basag (crack) sa bungo. Nasugatan ang isang bumbero nang mataamaan sya ni Estacio pagbagsak nito. Ayon sa mga kamag-anak ni Estacio, tumalon daw siya dahil sa problema sa asawa. April 14, 2005: Nagbigti sa
isang billboard sa Soldiers Hill, Barangay Putatan, Muntinlupa si
Epifanio delos Santos, isang houseboy. March 12, 2006: Isang lalaki ang nagtangkang tumalon mula sa tuktok ng billboard sa kahabaan ng Marcos Highway, Barangay dela Paz, Pasig City. Kinilala syang si Michael Benson, 26 taong gulang. Problema sa pamilya (paghihiwalay ng magulang) ang sinasabing niyang dahilan ng pag-akyat sa billboard. Muntikan na syang mahulog nang madulas sa billboard, pero nakakapit. Kabilang ang ina nya sa mga nakaantabay sa paanan ng billboard para kumbinsihin syang bumaba. Nahimatay ito at kasamang isinugod sa ospital nang maibaba na si Benson ng mga bumbero mula sa billboard. October 2, 2006: Muling umakyat ng billboard sa Marcos Highway, Pasig City si Michael Benson. Sama ng loob sa ate nya ang idinahilan sa kanyang tangkang pagtalon mula sa kabitan ng billboard. Dumating ang mga bumbero upang makipagnegosasyon. Kusa syang bumaba matapos ang ilang oras dahil na rin sa pagod; pero bago tuluyang makababa, hinimatay sya at dinala sa ospital. |
||||||||||||||||||||
MMDA
VS. BILLBOARDS |
||||||||||||||||||||
Last September, Trackworks filed criminal and administrative charges against MMDA before the Ombudsman. Trackworks claimed that MMDA continued to dismantle billboards along MRT despite a court order stopping them from doing so. July 20, 2006: MMDA personnel removed the following materials (including frames and posts) from stretches of EDSA, despite protests from those who put up the ads:
|
||||||||||||||||||||
BILLBOARDS AND THE LAW |
||||||||||||||||||||
13th Congress a) House of Representatives
b) Senate
|
billboards, billboards, billboards, billboards, billboards, billboards, billboards, billboards, nahulog, bumagsak, fell, fallen, accidents, aksidente,billboards, billboards, billboards, billboards, billboards, billboards, billboards, billboards, nahulog, bumagsak, fell, fallen, accidents, aksidente,billboards, billboards, billboards, billboards, billboards, billboards, billboards, billboards, nahulog, bumagsak, fell, fallen, accidents, aksidente,billboards, billboards, billboards, billboards, billboards, billboards, billboards, billboards, nahulog, bumagsak, fell, fallen, accidents, aksidente,