Malakas na hampas ng alon ang naranasan sa Albay dahil sa Bagyong Ruby. Photo by Flored Medina
Kahit ang Redemptorist Church sa Tacloban na nagsisilbing evacuation center sa ilang pamilya ay hindi nakaligtas sa hagupit ng Bagyong Ruby. Photo by Fr. Edwin Bacaltos
Bilang paghahanda sa Bagyong #RubyPH, ibinaba na ang ilang billboard sa Metro Manila. Photo by Frauleine Villanueva
Namimigay na ang ilang relief officer ng bigas at canned goods sa mga evacuee sa Brgy. Semirara, Caluya, Antique. Photo by Jo-jie Marck Erodias
Binaha ang ilang bahay sa Lope de Vega, Northern Samar matapos ang pag-ulan. Photo by Juan Carlos Medel
Pinabagsak ng Bagyong #RubyPH ang bubong ng isang gas station sa Catarman. Photo by Rio Sosa
Pananalasa ng Bagyong #RubyPH sa Tacloban City Photo by Save the Children
Makulimlim at mahangin ngayon sa Camarines Norte. Photo by Danilo Deo Trinidad
Mahangin at makulimlim ang kalangitan ngayon sa Brgy. Banica, Roxas City, Capiz. Photo by Bryan Parrenas
Nilipad ang mga bubong ng ilang bahay at natumba naman ang ilang puno sa Brgy. Nula Tula, Tacloban City. Photo by Paul Neil Glova
Semirara National High School ang evacuation center ngayon ng mga taga-Brgy. Semirara Proper. Photo by Jo-jie Marck Erodias
Mga pamilyang lumikas, natulog sa Gogon Elementary School sa Legazpi City. Photo by Flored Medina