-
“Walang plano, walang progreso.” Ilang dekada na ang mga pamilyang ito sa Tondo, Maynila pero tila hindi sila kasama sa pag-unlad na ibinibida ng kasalukuyang administrasyon. — YouScooper Beata Carolino
-
“Lahat ng sangkot, dapat managot.” — YouScooper Beata Carolino
-
Hindi pa rin maikukubli ng matatayog na mga gusali at mauunlad na mga lungsod ang imahe ng kahirapan sa ating bansa. — YouScooper Brian Paolo Valenzuela
-
Maraming hinaharap na "bagyo" ang ating bansa sa kasalukuyan. Kung hindi tayo maghahanda, baka maging huli na ang lahat. — YouScooper Choi S. Alcabasa
-
“Natatakot ako na maapektuhan ang mga maliliit na mangingisdang tulad namin kapag nagawan ng kalsada ang lugar na ito.” Maganda sa pandinig ang pangako ng pagbabago, pero ano nga ba ang epekto nito sa lahat? — YouScooper Choi S. Alcabasa
-
Bagama't may ngiti sa kanilang mga mukha, hindi maitatago ng kasalukuyang administrasyon ang tunay na kalagayan ng ating mga kabataan—suntok sa buwan ang mataas na kalidad ng edukasyon, walang sapat na makain at tirahan. Paano na lamang ang kinabukasan ng ating bayan kung gayon? — YouScooper Demie Dangla
-
"Bahagi ng tunay na mukha ng kalagayan ng ating bansa ang bawat mamamayan anuman ang estado niya sa buhay. Pero sa gitna ng mga kinakaharap na isyu ng korupsyon sa gobyerno, saan na nga ba tayo patungo?" — YouScooper Demie Dangla
-
"Ang kaban ng taumbayan ay para sa taumbayan, hindi sa bulsa ng mga pulitiko."
— YouScooper Demie Dangla
-
Hindi lang positibo ang dalang hatid ng pagbabago. Minsan ang epekto nito, hindi natin gusto. Ito ba ang kapalit ng minimithi nating kaunlaran? — Ean Dacay / Kamusta? Magazine
-
Kahit malamlam ang sitwasyon, pinili pa rin ng mga pamilyang nakatira sa isang housing project sa Quezon City na magkaroon ng positibong perspektibo sa buhay. — Ean Dacay / Kamusta? Magazine
-
Habang ang ilan ay nakikinabang, ang pag-angat ng ekonomiya, tila hindi nadarama ng mga nasa laylayan ng lipunan. — YouScooper Joshua Dalupang
-
Magulo ang state of the nation ng Pilipinas. Maraming plano’t maraming pagbabago, ngunit kulang sa execution. — YouScooper Mikki Luistro
-
Marumi at marungis. Hindi lang ito ang sitwasyon sa isang ulingan. Tila ito na rin ang repleksiyon ng kanilang pangkalahatang pamumuhay. — YouScooper Nikko Quiogue
-
Sa gitna ng lahat ng problema, hiling natin ang tunay na pagbabago. Para sa mga kabataan, kahit para na lang sa kanilang kinabukasan. — YouScooper Nikko Quiogue
-
"Puno ng pag-asa, ngunit walang kasiguruhan." — YouScooper Ouie Sanchez